MALIGAYANG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA, KAIBIGAN!
Sobrang saya ko at ni Myra ng malaman naming hindi namin kailangan sumayaw ng "Malong Dance" sa selebrasyon ng pagtatapos ng Buwan ng Wika sa darating na Biyernes, 8/29 (Maligayang Kaarawan, G. Richmond!!!), dahil kami'y nagwagi sa "On-The-Spot Tanaga Writing Contest." Kailangan naming sumulat ng dalawang tanaga, o isang tula na may 4 na taludtod at 7 pantig kada taludtod. Ang unang tanaga ay tungkol dapat sa isang partikular na tema (ito'y aking nalimutan) at ang isa'y nasa manunulat na kung ano ang gusto niyang paksa. Hindi ko akalaing magugustuhan ng mga "sikretong hurado" ang aking isinulat dahil akala ko'y wala itong kasusta-sustansya ngunit meron pala. Akalain mo nga naman. Totoo talaga ang kasabihang, "Expect the unexpected." Hay! Salamat sa Panginoon! :) Hanggang sa susunod! HIHI
No comments:
Post a Comment