Monday, December 15, 2014

Ang Tunay na Kaibigan

Para saan pa ang tunay na kaibigan
Kung ang tipo nama'y nag-iiwanan
Ako'y laging nandiyan sa lungkot at pighati
Kahit puso mo'y nayuyupi.

Buhay ko binigyan mo ng kulay
Napapatawa kung hitsura ko'y kasingpait ng gulay
Kaya heto, aking pagmamahal inaalay
Para sa mas masayahang samahan ako'y maging tulay.

Totoo nga naman kayhirap mong tantsahin
Awra't timpla mo, medyo mahirap basahin
Ngunit gagawa ako ng paraan
Para araw mo'y mapagaan.

No comments:

Post a Comment