Monday, December 15, 2014

Boom, Panes

Sa mga trip ko'y ika'y nakikisabay
Pakiramdam at pag-iisip ko iyong hinihimay
Utak ko'y iyong pinapagana
Kahit medyo hatinggabi na.

Salamat sa oras na iyong ipinagkaloob
Lahat sila sayo'y taob
Kahit minsan, tayo'y medyo sabog at sabaw
Ang mahalaga'y tayo'y masaya't, 'yun na may litaw.

Magulo man ang mga gawa natin
Puso ko'y iyong dakpin
Mga tula mong sobrang matalino ang pagkakagawa
'Yan tuloy, ako ngayo'y nahahawa.

No comments:

Post a Comment